Aabot sa anim (6) na motorsiklo ang na impound ng Odiongan Municipal Police Station sa kanilang istasyon kahapon ng gabi, September 03.
Ito ay matapos na magsagawa ng halos dalawang oras na checkpoint ang mga kapulisan sa pangunguna ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., sa Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon.
Nahuli ang mga driver ng anim na motorsiklo na walang mga driver’s license at ang ilan pa ay nasa impluwensya ng alak.
Binigyan ang anim ng ticket kung saan nakasulat ang kanilang violation at kung magkano ang kanilang babayaran sa opisina ng Land Transportation Office.
Ang nasabing checkpoint ay bahagi rin ng paghihigpit ng pulisya alinsunod sa idineklarang state of lawlessness ni Pangulong Duterte kasunod ng pagpapasabog sa Davao City nitong Biyernes ng gabi.
Paalala ng pulisya, ugaliing dalhin ang driver’s license and OR/CR ng mga motorsiklo kapag umaalis ng bahay.