Samu’t saring mga kontrabando katulad ng mga patalim, blade, lighters, at ibang gamit na ipinagbabawal sa loob ng kulungan ang nasabat ng mga awtoridad sa ginawang Operation Grayhound sa Odiongan District Jail sa bayan ng Odiongan sa Romblon ngayong araw, September 30.
Ang grupo na binubuo ng Bureau of Jail Management and Penology Odiongan, Romblon Provincial Public Safety Company at CIDG-Romblon ay sinurpresang hinalughug ang mga selda ng mga nakakulong sa nasabing kulungan.
Nasabat rin ng grupo ang aabot sa 300 piraso ng 10 peso coins na binutasan sa gitna na napag-alamang ginagawang bracelet o singsing ng mga preso. Pinagsabihan naman sila ng mga tauhan ng kulungan na huwag ng ulitin dahil malaking pera ang nawawala sa circulation sa buong bansa.
Ang Odiongan District Jail ay kasalukuyang merong 184 na inmates.
Ayon sa pamunuan ng Odiongan District Jail, lagi silang nagsasagawa ng mga ganitong operasyon para na rin mapanatili ang kaayusan ng mga inmates sa loob ng kanilang pasilidad.




































