Nasa Isla ng Boracay sa Malay, Aklan ngayon hanggang Linggo (September 29 – October 02), ang mga kawani ng munisipyo ng bayan ng San Agustin upang idaos ang bahagi ng kanilang pagdiriwang sa ika-116th Philippine Civil Service Anniversary.
Aabot sa mahigit kumulang animnapu (60) na mga empleyado ng gobyerno ang tumungo sa nasabing Isla para sa pagdiriwang na pinangungunahan ni Mayor Denon Madrona.
Ilan sa mga bahagi umano ng pagdiriwang na gaganapin sa nasabing isla ay ang Gender and Development o GAD Training, Family Day Celebration, at ilang team building activities.
Ang tema ng nasabing pagdiriwang ngayong taon ay ‘Sigaw ng Lingkod Bayani: Malasakit para sa Taumbayan, Kapwa Kawani, at Kalikasan’.