Nagkaloob kahapon, September 22, ang munisipyo ng bayan ng Odiongan sa pangunguna ni Mayor Trina Firmalo-Fabic ng mga bangkang de motor sa mga Bantay Dagat Teams sa apat na barangay na kanilang nasasakupan.
Nakatanggap ang mga Barangay ng Poctoy, Batiano, Gabawan at Tumingad ng mga bangka na magagamit nila sa kanilang pagpapatrol sa mga nasasakupang coastal waters.
Ayon kay Mayor Fabic, nauna ng nabigyan ang iba pang barangay na nasa coastal areas.
Inaasahang magbibigay rin ng fiberglass boats ang munisipyo sa mga Barangay ng Libertad, Budiong at Canduyong na magagamit nila sa turismo at pagpapatrol.