Inakala ng mga residente ng bayan ng Alcantara na tinuklaw ng isang ahas ang isang lalaking natagpuang patay sa labas ng kanyang bahay sa Barangay Madalag pasado alas-6 ng umaga kanina.
Kinilala ang natagpuang bangkay na si Jesus Tapalla Morante, 59-taong gulang.
Natagpuan si Morante ng kanyang kapitbahay na si Rolly Antonio na nakahandusay sa labas ng kanyang bahay katabi ang dalawang patay na manok at isang snake trap. Hindi niya umano akalain na katawan ni Morante ang kanyang makikita sa halip na ang nawawala niyang alagang baboy.
Ayon sa asawa ng biktima, lagi umanong nakikita ng kanyang mister na kinakain ng ilang ligaw na ahas ang kanyang mga alagang manok.
Batay naman sa post morterm examination na ginawa ni Dr. Jobin Maestro, Municipal Health Officer sa Rural Health Unit ng Alcantara, cardiac arrest ang naging dahilan ng pagkamatay ni Morante.
Wala ring nakitang kagat ng ahas sa katawan ni Morante.