Nagsagawa ng joint coastal clean-up drive ang mga mag-aaral at empleyado ng Santa Maria National High School at Romblon State University Santa Maria Campus sa ilang coastal area ng bayan ng Santa Maria ngayong araw.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng dalawang paaralan sa pakikiisa sa ika-116th Anniversary ng Civil Service Commission.
Ang mga coastal areas na kanilang nilinisan ay matatagpuan sa mga Barangay ng Concepcion Norte, Concepcion Sur, Paroyhog, at Sto. Niño.
Maliban sa mga mag-aaral ng dalawang paaralan, sumama rin sa joint coastal clean-up drive ang mga empleyado ng Local Government Unit ng bayan, mga tauhan ng Santa Maria Municipal Police Station, at mga mag-aaral rin ng lahat ng elementarya sa nasabing bayan.