Umakyat na sa apat katao ang nasawi sa buong MIMAROPA Region magmula ng higpitan ng pamahalaang Duterte ang paglaban kontra iligal na droga sa buong bansa.
Sa Calapan City, patay ang isang lalaki matapos na manlaban sa pulisya sa isinagawang buy-bust operation nito.
Sa report ng Regional Police Information Office, August 31 umano ng magsagawa ng buy-bust operation sa suspek na si Ronnel Castillo ang mga tauhan ng Victoria Municipal Station, Mindoro Oriental Police Provincial Office at Philippine Drug Enforcement Agency.
Ngunit ng matunugan umano ng suspek na mga operatiba ang bumibili sa kanya ng iligal na shabu, tumakas umano ito at nagtago.
Sa paghahanap ng pulisya, nabaril umano ito matapos namang manlaban.
Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit namatay rin kinalaunan.
Nakuha sa suspek ang 38 caliber revolver, tatlong piraso ng live ammunition, marked money, at tatlong pakete ng shabu.