Masayang binisita ni Governor Eduardo Firmalo ang bagong gawang hanging bridge sa Barangay Progreso Weste sa bayan ng Odiongan sa Tablas Island, Romblon nitong Miyerkules, August 31.
Ang kakatapos lang na proyekto ay malaking tulong umano para sa mga estudyante ng Progreso Weste Elementary School dahil hindi na sila mahihirapan tumawid ng ilog lalo na kapag malakas ang ulan at mataas ang baha.
Kasama si Governor Firmalo sa pagbisita ng local government unit ng Odiongan sa pangunguna ni Mayor Trina Firmalo-Fabic sa Barangay Progreso Weste para sa kanilang weekly caravan kung saan nakipag kwentuhan rin ang Gobernador sa mga residente ng nasabing barangay upang alamin ang kanilang mga sitwasyon at pangangailangan.
Samantala, binisita rin ni Mayor Trina Firmalo-Fabic ang Progreso Weste Elementary School upang alamin rin ang mga pangangailangan pa ng paaralan at ng mga estudyanteng nag-aaral rito.