Bumisita nitong araw ng Miyerkules, September 21, si Governor Eduardo Firmalo sa bayan ng Concepcion, Sibale Island, Romblon para madalaw ang mga Romblomanon sa lugar.
Huling binisita ni Governor Firmalo ang Sibale Island ay nitong campaign period kung saan kasama niyang pumunta si dating Congressman Eleandro Madrona.
Nagbahay-bahay ang Gobernador sa Poblacion kung saan masaya siyang sinalubong ng mga residente.
Pinangunahan rin ng Gobernador ang pag-award ng mga cheques para sa mga magsasaka at mangingisda na nawalan ng hanap buhay dahil sa bagyong Nona noong 2015. Kasama niya ang tauhan ng Department of Agrarian Reform na si Melot Pacquing at si Concepcion Mayor Medrito Fabreag, Jr.
Ang nasabing mga cheques ay pinagkaloob ng Philippine Crop Insurance Corporation na kanilang idinaan sa Department of Agrarian Reform para maiabot sa mga magsasaka at mangingisda.