Inaresto ng pulisya sa bayan ng San Fernando, Sibuyan Island, Romblon ang isang lalaki na foreman ng Department of Public Works and Highways sa bayan matapos umanong manghalay ng babae kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Police Senior Inspector Elmer Fajel ng makausap ng Romblon News Network, madaling araw umano ng Huwebes, habang nasa tindahan umano ang babaemg 46-taong gulang, bigla umano itong pinuntahan ng suspek na si Eugene Relox, 44-taong gulang.
Kwento ng biktima, tinutukan umano siya ng suspek habang nasa tindahan siya at biglang hinili papunta sa compound ng bahay ni Relox sa Barangay Otod.
Tinanggal umano ang pambaba niyang kasuotan at hinalay. Napalo rin umano siya ng kahoy kaya nagtamo siya ng sugat sa ulo.
Nakatakas naman agad ang babae at nakasumbog sa pulisya.
Dinala na ang suspek sa Provincial Prosecutor’s Office para sampahan ng kasong rape with frutrated homicide.