Tinanggap na ng pamahalaan ng bayan ng San Agustin ang budget para sa ipapatayong Evacuation Center sa nasabing bayan.
Pinangunahan ang turn-over ceremony ng mahigit P10-M na budget nina San Agustin Mayor Esteban Madrona at ni Department of Interior and Local Government Assistant Regional Director Karl Caesar Rimando nitong September 01.
Ang itatayong evacuation center ay papangalanang ‘D’ Ark, San Agustin Evacuation Center’ na itatayo sa San Agustin Central School ground.
Ang nasabing concept umano ng building ay nakuha sa Noah’s Ark kung saan magiging tuluyan ng mga taga-San Agustin kung sakaling magkaroon ng sakuna sa lugar.
Ang nasabing proyekto ay bahagi ng Bottom-up Budgeting project ng DILG sa lalawigan.