Hindi lang sa pagbabantay sa kaligtasan ng mga mamayan sa San Fernando ang ginagawa ng mga kapulisan doon, kahit sa pagkaka-kawang gawa, laban parin sila.
Nito lamang September 02 ng umaga, nakiisa ang San Fernando Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Elmer Fajel sa pagpipinta sa bagong gusali ng Botongcogon Day Care Center na matatagpuan sa Sitio Botongcogon, Brgy. Taclobo, San Fernando, Romblon.
Kasama ng mga kapulisan ang mga volunters ng KALAHI CIDSS na pinangungunahan ni Engr. Robby Mark R. Batuigas, project Engineer ng nasabing Day Care Center.
“As a Public Servant, it is our great honor to serve and help the people in a simple means for the development of the society.” ayon sa press release ng San Fernando Municipal Police Station.
Ang nasabing school building ay malaking tulong sa mga residente ng Sitio Botongcogon lalo na sa mga batang mag-aaral ng Day Care.