Binulabog ng halos dalawang dipang ahas ang isang bahay sa Barangay Bachawan, San Agustin maghahating gabi, kagabi.
Ayon sa may-ari ng bahay, pinaluputan umano ng ahas ang kanilang alagang manok hanggang sa tumahol ng tumahol ang kanilang alagang aso at doon na nila natuklasan ang nasabing ahas.
Pumasok pa umano ito sa kanilang bahay at umaakyat sa kanilang bubungan kung saan ito nanatili ng isang oras.
Pasado ala-una na ng madaling araw ng mahuli at mapatay ang ahas sa tulong ng mga residente ng lugar.
Ayon sa mga residente ng lugar, marami talagang mga nagagawing ahas sa lugar lalo na kung mainit ang panahon.