Hindi na umabot sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital sa bayan ng Looc, Romblon ang isang babae matapos na masaksak sa bayan ng Santa Maria.
Nangyari ang krimen sa Barangay Bonga.
Ayon sa spot report ng Santa Maria Municipal Police Station, bandang ala-una ng madaling araw kanina habang nasa lamayan umano ang biktimang si Arlyn Briones, 48-taong gulang, sinugod umano siya at nakipagtalo sa kanya ang isang Roger Galang Jr., parehong residente ng Barangay Bonga.
Maya maya umano bigla umanong sinaksak ni Galang si Briones.
Nakatakas ang suspek at tumungo umano sa kabundukan na sakop ng nasabing bayan dala-dala ang weapon na ginamit sa pananaksak.
Hanggang ngayon patuloy na nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad ng Santa Maria Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Ledilyn Ambunan upang madakip ang suspek.