Inaresto kahapon, September 01, ng mga tauhan ng Santa Maria Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Ledilyn Ambonan ang isang lalaki na wanted sa kasong arson.
Kinilala ang suspek na si Ernesto Galang Teologo na may kaso sa Regional Trial Court Branch 81.
Ayon sa Santa Maria Municipal Police Station, namataan umano ang suspek sa Barangay Bonga ng bayan ng Santa Maria kagabi kaya nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad para mahuli ang suspek.
Dinala na ang suspek sa RTC Branch 81 para iharap sa korte.