Pagtatanim at pag-garden, yan ngayon ang gawain ng mga sumuko sa Oplan Tokhang sa bayan ng Sta. Maria, Romblon.
Sa news release ng Sta. Maria Municipal Police Station, sinabi nilang nilunsad nila itong ‘A New Veggie-ning’ para mas madali ma monitor ng mga kapulisan ang araw-araw na gawain ng kanilang mga drug surrender.
Sa isang bakanteng lupa sa Barangay Concepcion Norte sa nasabing bayan tumutungo ang mga drug surrender upang magbungkal at magtanim ng mga pananim.
Ayon kay Police Senior Inspector Ledilyn Ambonan ng Sta. Maria Municipal Police Station, paraan rin ito para makabawi sa kalikasan.