Nagsama-sama ang mga drug surrenderers ng Alcantara Municipal Police Station sa bayan ng Alcantara para sa isang tree planting nitong umaga ng September 10.
Bahagi umano ito ng mga aktibidad ng kapulisan sa bayan ng Alcantara para ma detoxify ang mga sumuko. Bahagi rin ito ng kanilang pag monitor sa mga nasabing drug surrenderers.
Ayon kay Police Senior Inspector San Falcutila, umabot sa mahigit 500 seedlings ang naitanim ng mga drug surrenderers kasama ang mga kapulisan ng Alcantara Municipal Police Station sa isang private lot sa Sitio Calampay sa Barangay Madalag.
Nagtanim sila ng mga buto ng Lansones, Rambutan, Banana, Coffees, at iba pang non fruit bearing trees na inaasahang bubunga na pagkatapos ng limang taon.
Batay sa pinakahuling taya ng Romblon Provincial Police Office, umabot na sa 58 personality sa Alcantara ang kusang sumuko sa pulisya kaugnay sa Oplan Tokhang.