Sugatan ang tatlo katao sa bayan ng Alcantara matapos na masangkot sa banggaan ng motorsiklo ngayong hapon.
Nangyari ang aksidente sa Barangay San Roque bandang 5:45 ngayong hapon.
Ayon sa mga saksi, mabilis umano ang patakbo ni Marlon Dacayo at ang kaangkas nito ng makasalpukan ang isang Alyas Bongget Daet ng Barangay San Roque.
Tumilapon ang tatlo sa mga motorsiklo nila at agad namang tinulungan ng mga residente.
Dagdag pa ng mga nakasaksi, maaring nagtamo ng bali sa paa si Dacayo dahil hirap itong makatayo at kinailangan pa ng stretcher.
Napag-alaman ng Romblon News Network na parehong walang mga plaka ang dalawang motorsiklo.
Dinala na ngayon ang tatlo sa Ospital para magpagaling.