Tiklo sa pwersa ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., ang lalaking may kasong Frustrated Homicide sa Regional Trial Court Branch 82 ngayong araw sa Barangay Panique sa Odiongan.
Nakilala ang suspek na si Johnny G. Mingo, residente ng nasabing barangay.
May ngayong taon ng di umano ay masangkot sa isang hacking incident si Johny Mingo at kinasuhan ng 2-counts ng frustrated murder nina Dario at Daisy Raymundo.
Nag-ugat ang pag-aaway dahil umano sa agawan ng lupa kung saan nakukunan ng produktong copra.
Maaring makapag pyansa ang suspek sa halagang P24,000 kada kaso.
Nasa kustodiya na ngayon ang suspek ng Odiongan Municipal Police Station.