Nagsama-sama ang mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station, mga kasama sa Field Training Program (FTP) ng PNP sa Odiongan, at mga OJT criminology students ng Erhard Systems Technological Institute at Romblon State University Main Campus nitong Biyernes, August 19, sa sabay-sabay na paglilinis sa paligid ng Odiongan Municipal Hall at Odiongan Children’s Park and Paradise.
Umabot ng mahigit 70 sacks ng mga basura ang kanilang nakolekta sa halos dalawang oras na paglilinis ng grupo.
Kasabay nito, nagsagawa rin ng hiwalay na clean-up drive ang ibang police station sa ibang bayan sa lalawigan ng Romblon.
Layunin ng kapulisan na hindi lang sa krimen iligtas ang mga residente ng lalawigan kundi sa mga sakit ring dala ng maruming paligid.