Dinakip sa Barangay Dapawan ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., ang isang lalaki na naaktuhan nilang nagpapa-loteng.
Naaktuhan ng pulisya si Jaime Fradejas, 63 taong gulang na at residente ng Barangay Pato-o na naglilista ng numero ng lalaking tumataya sa kanya para sa iligal na larong Loteng.
Nakatakas naman ang tumataya kay Fradejas.
Nakuha sa suspek ang ilang ending cards, PBC ending receipts, ballpen, at bet money na nagkakahalaga ng P3,460.
Nakakulong na sa Odiongan Municipal Police Station ang suspek.
Ayon sa Presedential Decree 1602, may parusa ang sinumang mahuhuli na naglalaro ng mga iligal na sugal sa Pilipinas.