Nagbukas na ngayong araw ng Lunes, August 08, ang klase para sa mga bagong mag-aaral ng Philippine Science High School MIMAROPA Campus sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Dinaluhan ni Governor Eduardo Firmalo ang ribbon cutting sa pansamantalang building nito sa Romblon Provincial Convention Center habang inaantay pang matapos ang campus nito.
ADVERTISEMENT
Ang Philippine Science High School MIMAROPA Campus ay may mga estudyante ng DOST na galing pa sa Palawan, Mindoro Provinces, at Marinduque.