Nagbukas na ngayong araw, August 09, ang kauna-unahang remittance at bills and payment center sa bayan ng Santa Maria.
Sa Expresspay Bayad Center, maari ng magpadala ang mga abroad sa pamamagitan ng i-remit service ng nasabing remittance center o kung domestic naman maaring ma claim ang mga padala sa Mlhuilier sa lugar o di kaya padala sa pamamagitan ng Smart Padala.
Pwede na ring magbayad sa nasabing center ng mga bills ng Smart, Globe, Cignal o di kaya ng SSS at marami pa.
Maari na ring makabili ng ticket ng 2Go Travel o di kaya Philippine Airlines at iba pang airlines sa Pilipinas.
Layunin ng may-ari ng nasabing business na sumunod ang bayan ng Santa Maria sa ibang bayan sa pag-unlad at ang remittance center ay isa sa mga daan patungo rito.