Nagsagawa kahapon, August 18, 2016, ng Earthquake drill ang mga kawani ng Concepcion Municipal Station sa mga mag-aaral ng Sibale Academy of the Immaculate Conception sa bayan ng Sibale Island.
Pinangunahan ito ni PO3 Marcela Fabregas kasama si FO1 Butch Fallarme ng Bureau of Fire and Protection (BFP) sa pakikipagtulungan na rin ng mga guro at opisyal ng nabanggit na paaralan.
Sa nasabing drill, inaalam at ipinapakita ang kasanayan at kahandaan ng mga estudyante sa posibleng mangyari kung sakali mang dumating ang malakas na lindol sa naturang bayan.
Ang mga ganitong aktibidad ay bahagi ng mga proyektong ipinatutupad ng kapulisan para mas maging maayos ang kalagayan at mapanatili ang katahimikan ng bayan ng Sibale.