Nag positibo ang dalawa sa tatlong pulis MIMAROPA sa confirmatory test na isinagawa sa kanila ng Crime Laboratory Office sa Camp Crame.
Matatandaang nitong unang dalawang linggo ng July, pagkatapos umupo si President Duterte at Gen. De la Rosa, nagsagawa ng randrom drug test ang buong Regional Police Office MIMAROPA sa lahat ng istasyon at opisina ng pulisya sa rehiyon.
Ang tatlong pulis na isinailalim sa confirmatory test ay mga pulis na galing sa Oriental Mindoro, Occidental Mindoro at Palawan.
Ayon sa tagapagsalita ng MIMAROPA Regional Police Office na si Police Supt. Imelda Tolentino, hindi pa nila mapapangalanan ang dalawang pulis dahil iniimbestigahan pa sila.
Hindi niya rin sinabi kung saang probinsya nanggaling ang dalawa.
Nag positibo umano ang dalawa sa Methamphetamine Hydrochloride o Shabu.
Umakyat na rin sa 16,234 ang bilang ng mga sumuko sa buong rehiyon ng MIMAROPA ayon kay Police Supt. Tolentino.