Stranded sa baybayin ng Barangay Agpudlos, San Andres sa Tablas Island, Romblon ang isang cargo vessel matapos na masiraan ng makina ito kaninang umaga.
Ayon kay Lt. Noemi G. Cayabyab ng Coast Guard Station Romblon, ang cargo vessel ay may vessel name na MCC Kyoto.
Galing umano itong Manila at patungong Cagayan De Oro City.
“We are closely monitoring na po ang captain ng barko at inaalam kung kelan nila maayos ang makina nito,” pahayag ni Lt. Cayabyab.
Ayon naman kay Mayor Fernand Rovillos ng San Andres, malapit na sa shoreline ng Agpudlos ang barko at nangangambang sumadsad ito kung hindi naagapan.
Nakikipag tulungan na rin umano sila sa Coast Guard Station Romblon upang maiwasan ang pagsadsad ng barko.