Aabot sa limang magkakahiwalay na aksidente sa kalsada ang naitala ngayong araw sa Inutid Bukid at Sitio Tuburan sa Barangay Concepcion Norte, Santa Maria, Romblon.
Ayon sa saksi na nagtatrabaho sa Department of Public Works and Highways na malapit lang sa lugar, lahat umano sila ay na slide sa madulas na kalsada sa lugar.
Nagtamo ng minor injuries ang mga drivers ng mga motorsiklo at nakauwi rin agad maliban umano kay Sagrado Magallanes, lecturer ng Romblon State University Santa Maria Campus na isinugod pa sa Rural Health Unit ng Santa Maria upang lunasan ang natamong sugat at gasgas sa katawan.
Naabutan pa ng Romblon News Network ang motorsiklo ni Magallanes sa lugar, at kitang kita na nabali ang stand at side mirror ng kanyang motorsiklo.
May isang pulis rin umanong na na slide sa nasabing kalsada, ayon sa mga nakasaksi.
Paalala ng mga kinauukulan, madulas talaga sa lugar kung umuulan kaya panatilihin ang mahinang pagpapatakbo.