by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 18 July 2016
Nahulicam sa Barangay Liwanag sa Bayan ng Odiongan sa Romblon ang salpukan ng dalawang motorsiklo kaninang alas-3 ng hapon, July 18.
ADVERTISEMENT
Base sa CCTV video, nang-agaw ng linya ang lalakeng nakadilaw kaya nasalpuk ng kasalubong na motorsiklo na minamaneho naman ng isang estudyante ng Romblon State University.
Wala umanong lisensya ang dalawa ayon sa Barangay.
Nagtamo ng sugat sa kamay at paa ang dalawang driver at agad namang pinauwi matapos na matingnan ng Doctor.