by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 06 July 2016
Sumabak sa surprise drug testing ang mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station kahapon ng umaga, kasabay ang ilan pang istasyon ng kapulisan sa buong lalawigan.
Bahagi ito ng kampanya ng Romblon Provincial Police Office na isailalim ang lahat ng kapulisan sa lalawigan ng Romblon sa drug test.
Ayon kay Police Inspector Manuel Fernandez Jr ng OMPS, ang magpopositibo sa drug test at mapapatunayan man ay bibigyan ng parusa.
Paliwanag pa ni Fernandez Jr., wala pa naman umanong pulis ng OMPS ang nagpopositibo sa iligal na droga ng siya ay maupo bilang hepe.