Isang pasahero ng 2GO’s St. Therese Child of Jesus ang naiulat na tumalon umano sa barko habang nasa Tablas Strait malapit sa Odiongan, Romblon at Roxas, Mindoro nitong Martes ng gabi.
Hindi pa umano nakikilala ang lalaking tumalon ayon sa Philippine Coast Guard.
Sa report ni Nony Basco ng ABS-CBN News, ang lalake umano ay nasa 40-45 ang edad. Nakasuot umano siya ng denim pants at blue shirt.
Ang nasabing barko ay galing Manila at biyaheng Iloilo at Bacolod.
Patuloy naman ang isinasagawang search and retrieval operations sa Tablas Strait ng mga tauhan ng Coast Guard.