“Ang susunod naming project ay lagyan ng free public wifi ang Children’s Park.”
Yan ang mga pahayag ni Mayor Trina Firmalo-Fabic ng bayan ng Odiongan ng eksklusibong makapanayam ng Romblon News Network nitong Huwebes, July 21.
Ayon kay Mayor Fabic, naka plano na sa kanyang munisipyo na pagandahin pa ang Children’s Park ang Paradise.
Sinabi rin ni Mayor Fabic sa RNN ang ilan sa mga babaguhin sa lugar at isa na rito ang paglalagay ng mga upuan sa paligid ng rebulto ni Rizal para may maupuan ang mga gustong umupo tuwing hapon.
Naka plano na ring simulan ang pagsasaayos sa official website ng bayan ng Odiongan na kung saan makikipagtulungan sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Noong Mayo, sinabi ni Fabic na susubukan nilang ilagay ang ilang serbisyo ng munisipyo sa kanilang website kung saan pwede ng mag asikaso ng mga papeles online.