Aabot sa mahigit 500 kabataan sa bayan ng Odiongan ang dumagsa sa opisina ng COMELEC sa nasabing bayan para maghabol na magpatala para sa paparating na SK Election ngayong huling araw ng registration.
Ang ilan sa kanila alas-8 pa nasa bayan na upang makapila ngunit sadyang mabagal ang usad dahil sa iisang computer ang gamit ng opisina.
Inaasahan na umano ang pagdagsa ng mga kabataang magpaparehistro lalo na at ngayong huling araw.
Sinabi naman ng mga opisyal ng comelec na kanilang i-accomodate lahat ng kabataan na nasa pila pa pagpatak ng alas-5 ng hapon.