by Renand Pastor, Romblon News | Sunday, 10 July 2016
Isa na namang motorista ang nadisgrasya ngayong umaga sa pakorbang daan sa Inutod Bukid, Sitio Maalag, Barangay Concepcion Norte, Sta. Maria, Romblon.
Nagtamo ng minor injury ang rider at nakauwi naman agad.
Tuwing umuulan kasi ay dumudulas ang mga buhangin at grava sa kalsada na nagiging dahilan ng malimit na disgrasya sa lugar.
Ayon kay FO1 Efigene Lee Monton, Municipal Fire Prevention Officer ng bayan, nag-request na umano siya sa Department of Public Works and Highways – Romblon na lagayan ng drainage sa lugar para may madaan ang tubig kapag lumalakas ang ulan ngunit ayon kay FO1 Monton ay sumagot umano ang DPWH Romblon na wala silang budget para dito.
Pinaalalahanan naman ang mga motorista na dumadaan sa lugar na mag ingat lalo na pag umuulan dahil sa madulas na kalsada dulot ng buhangin at grava na dala ng baha.