Naramdaman rin ng mga taga bayan ng Odiongan, San Jose, Looc, Ferrol, Santa Maria, at Calatrava ang pagyanig kaninang tanghali matapos na tumama ang Magnitude 4.5 na lindol sa Caluya, Antique.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang sentro ng lindol sa 000 km N 56° W ng Caluya, Antique kaninang 12:22 ng tanghali.
Naramdaman rin ang lindol sa Antique, Aklan, at Oriental Mindoro.
ADVERTISEMENT
Wala namang naiulat na pinsala ang nasabing pagyanig ng lupa.