by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 14 July 2016
Sinimulan na kahapon ng bagong admiistrasyon ng Local Government ng Odiongan sa pangunguna ni Mayor Trina Firmalo ang pangako nito noong campaign period na dadalhin niya sa mga kabarangayan ang mga serbisyo ng munisipyo.
Kasama rito ang iba’t ibang department heads ng LGU, si Vice Mayor Reyes kasama ang mga Sanguniang Bayan members at mga kapulisan.
Ngayong araw, tumungo ang grupo sa Barangay Libertad kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga taga-Libertad na makakuha ng Police Clearane, makapag-process ng Birth Certificate, pag prosesso ng kanilang membership sa SSS at sa PHILHEALTH.
Nagkaroon rin ng libreng medical at dental checkup ang grupo.
May ilang residente pang sinulit ang libreng gupit na dala ng local government unit.
Sa susunod na linggo, sa Brgy. Rizal nanaman nila dadalhin ang caravan.