Nasunog kahapon ng hapon sa Barangay Panangcalan sa bayan ng San Fernando, Sibuyan Island ang isang kwarto ng isang bahay na pagmamay-ari umano ng isang american citizen.
Ayon kay Cesar Renion, isa sa mga first responder sa sunog, nasa kalagitnaan umano ng pag-uulan ng mangyari ang sunog.
Wala sa bahay ang american citizen at kanyang asawa at tanging sister-in-law at apat na bata lang ang tao sa bahay ng mga oras na iyon.
Naagapan naman ang sunog at hindi na ito kumalat sa ikalawang palapag ng bahay.
Iniimbestigahan pa kung saan nagsimula ang sunog at magkano ang halaga ng pinsala nito.