by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 04 July 2016
Sumuko rin ngayong araw ang dalawa pang tulak umano ng iligal na droga sa bayan ng Santa Maria at sa bayan ng Alcantara.
Sa bayan ng Santa Maria, sumuko ang isang barangay kagawad ng Barangay Paroyhog sa kapulisan ng Santa Maria Municipal Police Station na pinangungunahan ni Police Senior Inspector Rocky Fojas.
Inindorso ang kagawad sa Department of Social Welfare and Development para sa kanyang rehalitasyon.
Pinapirma rin ang kagawad sa isang affidavit na nagsasabing hindi na umano siya gagamit o magbebenta man ng ipinagbabawal na gamot.
Sa bayan naman ng Alcantara, sumuko kay Police Senior Inspector Sandy Falcutila ang isang empleyado ng munisipyo ng Alcantara.
Ang nasabing lalake ay driver ng Rural Health Unit Ambulance ng bayan at ika-10 sa drug personalities ng bayan, ayon kay PSI Falcutila.
Isasailalim sa confinement at treatment ang sumukong drug personality sa loob ng isang rehabilitation center sa bayan.
Ang sunod-sunod na pagsuko ng mga drug personalities ay bahagi parin ng ‘Operation Tokhang’ ng kapulisan.