by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Saturday, 16 July 2016
Magsisimula ng bumiyahe sa bago nitong ruta ang MV Starlite Reliance ng Starlite Ferries Inc.
Simula July 18, Lunes, babiyahe na ito sa ruta ng Roxas, Mindoo to Odiongan at pabalik.
Ang nasabing barko ay kauna-unahang all steel vessel na babiyahe sa nasabing ruta.
Ayon sa nakuhang impomasyon ng Romblon News Network, ang nasabing barko rin ang sasakyan na ng bus ng Dimple Sta na magkakaoon na rin ng araw-araw na biyahe.
Aalis ang barko sa Roxas ng 11:00 AM at aalis sa Odiongan ng 4:00PM.
P250 naman ang magiging regular na presyo habang P200 kung studyante at P175 kung senior.