Madaling araw kanina ng kainin ng apoy ang dalawang palapag na bahay sa Barangay Batiano, Odiongan, Romblon na pagmamay-ari ni Novelie Farquerabao.
Wala ng naisalbang gamit ang pamilya dahil inuna umano nila ang kaligtasan ng mga batang kasama nila sa bahay ng mga panahon na iyon.
Mabilis kumalat ang apoy na hinihinalang nagsimula sa kwarto ng mga anak ni Farquerabao, na walang tao sa mga panahon na iyon.
Patuloy naman na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection – Odiongan ang sanhi at maaring pinagmulan ng sunog.
Aabot naman sa halos P200,000 ang halaga ng natupok na bahay.