Isang residente ng Odiongan ang isa sa mga QC Anti-narcotics cops na pinadala ng ni Philippine National Police Director General Ronald dela Rosa nitong unang linggo ng July.
Sa isang source na nag timbre sa Romblon News Network, ang police ay may apelyidong Yap.
Sa pagsisiyasat ng RNN, napag-alaman na ang nasabing QC cop ay si Police Inspector Michael Yap.
Sa balita ng Interakasyon, ang online news portal ng TV5, ang mga nasabing QC Anti-narcotics cops ay pinadala sa Autonomous Region in Muslim Mindanao at sa Western Mindanao.
Ito ay sina Chief Inspector Roberto Razon, Inspectors Johnny Garcia at Michael Yap, Senior Police Officers 2 Corina Cunanan Angeles at Jerry Sebastian, Police Officers 3 Hector Hernandez, Benjamin Nepuscua, Jommar Manaol, Joel Dimampo at Jacinto Caranguian, PO2s Ronald Dela Cruz, Narciso Itom at Jeffrey Dela Puerta, at PO1s Ricardo Sibayan at Peggy Lynne Vargas.
Sinabi naman ni Philippine National Police Director General Ronald dela Rosa na hindi pwedeng tumanggi ang mga police na ma re-assign sa iba’t ibang lugar dahil mga miyembro umano sila ng PNP.