by Jackey Tapao, Romblon News | Monday, 04 July 2016
Aabot sa 596 na bata sa bayan ng San Agustin ang sumailalim sa libreng deworming ng Department of Health sa pakikipagtulungan ng Department of Education at Department of Interrior and Local Government kanina.
Ang nasabing activity ay tinawag na Expanded National School and Communit Based Deworming para sa mga estudyante mula kinder hanggang grade 12 kasama ang mga out of school youths na 5-18 years old.
Dinaluhan ito ng mga estuyante mula sa paaralan ng TESDA School, Holy Rosary Academy, Tablas Academy, at San Agustin Central School.
Bahagi parin ito ng pagdiriwang ng Nutrition month sa buong bansa.