by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Saturday, 04 June 2016
Dead on the spot ang isang 34-anyos na babae matapos na laslasan ng leeg sa harapan ng isang remittance center pasado ala-una ngayong madaling araw.
Nakilala ang biktima na si Cheryl Jane Fabro, residente ng Barangay Liwanag sa bayan ng Odiongan.
Ayon sa kwento ng ilang nakasaksi sa krimen, nakasakay umano sa motorsiklo ang biktima ng parahin ng suspek at paglalaslasan.
Agad namang nahuli ng mga tauhan ng Odiogan Municipal Police Station ang suspek na nakilalang si Steve Aquino, residente naman ng Barangay Calunacon, San Andres.
Sinubukan pa nitong tumakas ngunit naaksidente kaya nahuli ng mga kapulisan.
Nakuha sa suspek ang isang bolo na maaring ginamit umano sa krimen.
Maari umanong selos ang naging ugat ng krimen ayon mismo sa anak ng suspek na nagbigay ng mensahe sa facebook page ng Romblon News Network.