by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 07 June 2016
Nakapiit na sa Odiongan District Jail si Steve Aquino, 46 taong gulang, suspek sa pananaga sa isang babae nitong madaling araw ng Sabado matapos itong kasuhan ng Odiongan Municipal Police Station ng 1-count ng murder.
Pinagtibay ang kasong murder na isinampa sa suspek sa pamamagitan ng isang nakasaksi mismo sa nasabing krimen.
Sa kwento ng isang Elimark Dalisay, 26 years old, at isang security guard.
Madaling araw umano, patungo siya sa Barangay Dapawan upang mag duty ng mapadaan ito sa Barangay Liwanag galing sa kanilang lugar sa Barangay Progreso Weste ng makita niya na nakahandusay ang biktimang si Cheryl Jane Fabro sa kalsada habang pinagtataga ng suspek at pinaglalaslasan ang leeg.
Nahinto umano ang pananaga ng makita ng suspek ang witness.
Kumaripas umano ng patakbo ng motorsiklo si Dalisay patungo sa Dapawan matapos itong sundan ng suspek hanggang sa maiwasan nito ang suspek.
Ayon sa kapulisan, may lihim umanong relasyon ang biktima at ang suspek at maaring selos ang motibo ni Aquino.