by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 20 June 2016
Inaasahang magsasagawa rin ng Earthquake drill ang halos lahat ng munisipyo sa lalawigan ng Romblon bilang pakikiisa sa 2016 National Simultaneous Earthquake Drill.
Gaganapin ito sa araw ng Miyerkules, June 22.
Ayon sa Romblon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, makikilahok sa pagsasagawa ng earthquake drill ang lahat ng Disaster Risk Reduction and Management Council sa lahat ng munisipyo na gaganapin sa mga paaralan o sa napiling establisyemento.
Sa report ni Dennis Manzo ng Philippine Information Agency, sinabi nito na hinihikayat ng Romblon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga residente ng lalawigan na makiisa sa gawain na inaasahang magsisimula sa ganap na alas-9 ng umaga.