by Dennis Evora, Romblon News / Photo Courtesy of Joy Ferranco-Depositari | Thursday, 23 June 2016
Sa pangalawang pagkakataon, muli na namang isinagawa ang isang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill kahapon, ika-22 ng Hunyo 2016 at nakiisa dito ang lokal na pamahalaan ng Concepcion (Sibale Island) sa pakikipagtulungan ng mga kapulisan, mga taga health office at mga opisyal ng mga eskwelahan.
Ganap na alas-9 ng umaga ng sabay-sabay na mag duck, cover and hold position ang mga nakilahok sa pangunguna ng mga guro, mga estudyante at ilang lokal na kawani ng bayan.
Maliban sa earthquake drill, tinutukan din ng mga namahala sa naturang aktibidad ang pagdidisemina ng mga impormasyon tungkol sa mga dapat gawin kung sakali man na may mangyari na ganitong sakuna.
Dagdag pa dito, layunin ng mga nag organisa ng nasabing aktibidad na masukat ang lebel ng kakayahan ng mga lokal na rescuers or volunteers at ang makita rin at mas mapaigting ang kahandaan ng mga residente kung sakali nga na magkaroon ng malakas na lindol gaya ng inaasahan ng mga nasa Metro Manila.