by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 22 June 2016
Nakiisa ngayong araw ang bayan ng Odiongan sa Tablas Island sa 2nd Nationwide Simultaneous Earthquake Drill kahit na nakakaranas ang lugar ng masama ang panahon.
Sa nasabing drill, kunyari ay may tumamang 7.2 Magnitude na lindol sa bayan kaya naglabasan ang mga tao at dumiretso sa evacuation area.
May mga ilang na trap rin umano sa opisina na kailangang i-rescue ng mga awtoridad.
May isang lola rin na ni rescue sa loob ng isang banko.
Agad silang nilapatan ng paunang lunas bago isugod ng mga rescuers sa ospital.
Nakiisa sa drill ang mga miyembro ng Odiongan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, Odiongan Municipal Police Station, Coast Guard, BFP, mga empleyado ng DepEd, DPWH, at ilang kompanya.































