by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Sunday, 19 June 2016
Nakaramdam ng pagyanig pasado 5:20 ng umaga ngayong araw ng mga Ama sa bayan ng Banton sa Banton Island, Romblon.
ADVERTISEMENT
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) – DOST, naitala ang sentro ng lindol sa 16 km N 18° E ng Banton Island na may lalim na 37km.
Wala namang naitalang damage sa mga gusali sa Isla.