Nadakip nitong nakaraang araw ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Deputy Chief, Police Inspector Manuel “Don-Don” F. Fernandez Jr., ang lalakeng wanted sa kasong attempted homicide sa Barangay Pato-o sa bayan ng Odiongan.
Nakilala ang suspek na si Noe Famorcan, 36 years old.
Nahuli si Famorcan matapos na magsagawa ng Lambat Sibat operation ang mga tauhan ng pulisya sa lugar matapos makatanggap ng tip sa isang volunter.
Kasunod ng pagkahuli kay Famorcan, kusang sumuko naman sa pulisya ang kasama nito sa kaso na si Roy Fernando, 31 taong gulang upang harapin umano ang kaso sa korte.
Nag rekomenda ang korta ng halagang P12,000 para sa pansamantalang pagkakalaya ni Famorcan.