by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 25 June 2016
Inaasahang magbubukas na bago magtapos ang taong 2016 ang branch ng Filoil Gas Company sa bayan ng Odiongan.
Ang nasabing gas company ang magiging supplier ng krudo para sa mga generator sets ng Sunwest Water and Electric Company Incorporated (SUWECO).
Sa pagpasok ng bagong oil company sa bayan ng Odiongan maaring maging dahilan ito ng mas pagbaba pa ng presyo ng gasulina sa lugar.
Sa ngayon, patuloy ang construction ng Filoil Gas Company na matatagpuan sa Barangay Batiano, Odiongan, Romblon.
Ang Filoil ang meron ng branch sa San Agustin at sa Sibuyan Island.































