by Ronald Gervacio, Romblon News | Monday, 09 May 2016
Aabot sa halos limang (5) vote-counting machines ang nakaranas ng aberya sa pagbubukas ng botohan ngayong araw, May 09.
Sa bayan ng Alcantara, ilang oras ring naantala ang botohan matapos na ilang beses na iluwa ng makina ang mga balotang hinuhulog ng mga botante.
Mag-dadalawang oras na ng ito ay maayos.
Ganto rin ang naranasan sa Canduyong Elementary School sa bayan ng Odiongan at hanggang ngayon ay patuloy na inaayos.
Sa barangay naman ng Concepcion Norte, Santa Maria, mahihgit dalawang oras na ring hindi gumagalaw ang pila dahil sa naghang na VCM.
Ayon sa natangap na report ng Romblon News Network, aabot sa 6 na presinto ang apektado ng aberya.